Isang pakikipagsapalaran ang paghahanap ng trabaho. Kahit na may degree kang pinanghahawakan na nagmula pa sa isang kilalalang unibersidad sa Pilipinas ay di ito seguridad ng pagkakaroon mo ng trabaho pagkagradweyt mo. Ang pag-aaply sa trabaho ay isang pakikipagtunggali sa kapwa mong Pinoy na kakagradweyt lang at sa libo-libong mga Pinoy na grumadweyt noong isang taon, dalwa o di kaya ay halos sampung taon na. Aabot ka siguro ng tatlo hanggang limang taon na pa-apply-apply sa iba’t-ibang posisyon hanggang sa makahanap ka ng isang trabaho na mayroon kang kinabukasan. Sa dahilang lahat ng trabaho ngayon ay naghahanap ng eksperyens ay nalilimitahan na ang mga pagpipilian mo. Kaya kung di ka makapagtrabaho sa field na angkop sa pinag-aralan mo ay siguradong may trabaho ka sa mga posisyong mababa ang sahod at probationary ang status, o mas malala pa ay wage earner ka at temporary lang. Kaya nabuo ang blog na ito dahil gusto kong ipamahagi sa iba ang mga karanasan ko sa mundo ng mga bagong gradweyt sa Pilipinas.
23
Jan
06































0 Responses to “Gradweyt ka na, eh ano ngayon?!”